MAKARARANAS ng power interruptions ang ilang lugar sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, at Cavite dahil sa mga maintenance works sa linya ng kuryente ngayong linggo.
Ayon sa abiso ng Meralco, kabilang sa mga apektadong lugar sa Metro Manila ang Malinta, Valenzuela City sa Pebrero 24 mula 10:30 a.m. hanggang 3:30 p.m. dahil sa pagpapalit ng poste at pag-upgrade ng linya. Apektado rito ang Masipag St., Matipuno, Pinagpala, Matimyas, at Magiliw St. sa Pinalagad.
Sa Quezon City, partikular sa Brgy. Gulod, Novaliches, mawawalan ng kuryente sa Pebrero 26-27 mula 11:00 p.m. hanggang 5:00 a.m. dahil sa pagpapalit ng poste.
Sa Parañaque City, maaapektuhan naman ang Don Bosco, Better Living Subdivision sa Pebrero 26-27 mula 11:30 p.m. hanggang 4:30 a.m. para sa line reconductoring at pagpapalit ng poste.
Magkakaroon din ng kaparehong maintenance works ang Meralco sa San Jose del Monte, Bulacan. Sa Brgy. Muzon, mawawalan ng kuryente sa Pebrero 24 mula 10:00 a.m. hanggang 3:00 p.m., kung saan apektado ang La Poblacion Phase 3 at Vista Verde Subdivision.
Sa Antipolo, Rizal, mawawalan ng kuryente sa Pebrero 27 mula 10:00 a.m. hanggang 1:00 p.m., kung saan apektado ang Bagong Nayon Barangay Road, Clusters A-F, Sitio Taguisan, at Sitio Tulakin.
Sa Dasmariñas City, Cavite, magkakaroon ng sunod-sunod na power interruption.
Sa Pebrero 25-26 mula 11:00 p.m. hanggang 4:00 a.m., magkakaroon ng line reconductoring works at pag-upgrade sa mga pasilidad sa Langkaan Road sa Brgy. Langkaan 1 at Humayao Road sa Brgy. Langkaan 2.
Susundan naman ito ng line conversion works sa Pebrero 27-28 mula 11:00 p.m. hanggang 4:00 p.m., kung saan apektado pa rin ang ilang bahagi ng Brgy. Langkaan 1.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maghanda at magplano nang maaga upang maiwasan ang anumang abala dulot ng power interruption.