Ilang bahagi ng Metro Manila, mawawalan ng supply ng tubig simula Marso 14-17, 2023

Ilang bahagi ng Metro Manila, mawawalan ng supply ng tubig simula Marso 14-17, 2023

MAKARARANAS ng water interruption ang libu-libong customer ng Maynilad sa ilang bahagi ng Metro Manila simula ngayong araw Marso 14 hanggang Marso 17, araw ng Biyernes.

Sa abiso ng Maynilad, magsisimula ang water interruption 6am – 8pm.

Kabilang sa mawawalan ng tubig ay ang ilang lugar sa Parañaque, tulad ng 2 lugar sa Brgy. Don Bosco, 6 sa Marcelo Green, 12 sa Merville, 5 lugar sa Brgy. Moonwalk at marami pang iba.

Maging ang ilang bahagi ng Pasay City tulad ng Brgy. 181 hanggang 185 at 201.

Sa Las Piñas, mawawalan din ng tubig ang Almanza 2, CAA, Manuyo 2, Pamplona 3, Pulang Lupa 1, at marami pang iba.

Habang sa Muntinlupa ay ang Alabang, Bayanan, Poblacion, Putatan, Tunasan, at Sucat.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga residente na mag-ipon ng sapat na tubig.

Para sa kumpletong listahan ng mga apektadong lugar, maaaring bisitahin ang Website ng Maynilad official Facebook page at Twitter ng kompanya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter