INANUNSIYO ng Maynilad Water Services Inc. na magkakaroon ng water interruption sa ilang bahagi ng Quezon City simula bukas, Disyembre 27, 2023.
Sa advisory, apektado rito ang Bagbag, Bagong Silangan, Batasan Hills, Commonwealth, Greater Fairview, Gulod, at Holy Spirit.
Kabilang din ang North Fairview, Payatas, San Bartolome, Sauyo, Sta. Lucia, Sta. Monica, at talipapa.
Mawawalan din ng tubig ang bahagi ng Ugong partikular sa Hobart Subdivision sa Valenzuela City.
Ayon sa Maynilad, magkakaroon ng valve replacement sa bahagi ng Regalado Ave. Corner Commonwealth Ave sa Quezon City upang mapabuti ang water services nila sa nasabing mga lugar.
Ang water interruption ay magsisimula mula alas-nuebe ng gabi ng Disyembre 27 hanggang alas-otso ng umaga ng Disyembre. 28, 2023.