Ilang bahagi ng Quezon City, makakaranas ng water servive interruption ─Manila Water

Ilang bahagi ng Quezon City, makakaranas ng water servive interruption ─Manila Water

ABISO mula sa Manila Water, ilang konsumer nito sa Quezon City ang pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig simula bukas hanggang Abril 11.

Ayon sa Manila Water, ang water service interruption ay dahil sa isasagawang line maintenance.

Kabilang sa mga lugar na maaapektuhan nito ay Ang Brgy. Loyola Heights, Barangay Pasong Tamo (Far East Asia), Brgy. Tandang Sora (San Pedro 2 And 3), at Brgy. Culiat.

Magsisimula ang water service interruption ng alas diyes ng gabi ng Abril 10 at magbabalik sa normal ang daloy ng tubig ng alas kwatro ng madaling araw ng Abril 11.

Pinapayuhan naman ng Manila Water at ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga residente sa nabanggit na mga barangay na mag-ipon ng tubig.

Bukod naman sa Quezon City, magkakaroon din ng water service interruption sa ilang lugar sa Cainta, Rizal, Taguig City, Pasig City at Pateros.

Para sa mga karagdagang impormasyon dito, maaaring bisitahin ang website ng Manila Water.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble