KASUNOD ng pag-lift sa localized community quarantine, ngayong araw ay sinimulan nang ipinatupad ng Taguig City government ang modified localized quarantine sa ilang bahagi ng Barangay Lower Bicutan dahil sa panibagong kaso ng COVID -19.
Ayon sa Taguig LGU tatagal ng hanggang July 15 ang MLQ dahil umabot na sa 109 ang kabuuang bilang ng mga nahawaan ng sakit.
Sa ilalim ng MLQ ay patuloy na magsasagawa ng COVID-19 test sa mga residente ng mga nabanggit na lugar.
Samantala, umabot na sa 904 ang kabuang bilang ng confirmed cases sa lungsod matapos nakapagtala ang Taguig ng 17 na bagong confirmed cases.
Ang nasabing bagong kaso ay mula sa Bagumbayan, Bambang, Central Bicutan, Katuparan, Lower Bicutan, North Daang Hari, Pinagsama, San Miguel, Tanyag, Wawa, Western Bicutan, Maharlika at New Lower Bicutan.
Patuloy na umiikot ang Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT) katuwang ang Taguig City Containment Team para ma-monitor at ma-contain ang mga COVID-19 cases sa lungsod.