Ilang bansa, nag-aalis ng placement fee para sa mga OFW—DMW

Ilang bansa, nag-aalis ng placement fee para sa mga OFW—DMW

NASA kabuuang 150 Philippine recruitment agencies, grupo ng mga OFW, internasyonal na organisasyon, mga labor attaché, at mga Ambassador ang nakilahok sa Overseas Labor Market Forum araw ng Huwebes sa Ortigas, Pasig City.

Sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac sa forum na tinatalakay ang pagtaas ng demand ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa, at iba pang mga usapin hinggil sa mga mahahalagang labor market para sa mga OFW.

Sinabi naman ni Migrant Workers Undersecretary Patricia Yvonne Caunan na ilang mga bansa rin ang nagdeklara ng “no placement fee” para sa mga Pilipino na nais magtrabaho sa kanilang bansa.

Maging ang Singapore at Japan, kahit marami pa ring mga Pilipino doon, ay nangangailangan pa rin sila ng mga manggagawang Pinoy.

Japan, nangangailangan ng 820,000 manggagawa; Taxi drivers, in-demand na rin—DMW

Sabi pa ni Usec. Caunan, 820,000 manggagawa ang kailangan ng Japan mula sa iba’t ibang industriya, sa harap ng kanilang pagpapalakas sa sektor ng transportasyon.

Kaya naman, pati taxi driver ay in-demand na rin doon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble