Ilang barangay sa Maynila, Makati, at Mandaluyong, makararanas ng water interruption

Ilang barangay sa Maynila, Makati, at Mandaluyong, makararanas ng water interruption

MAKARARANAS ng anim na oras na water service interruption ang ilang barangay sa Maynila, Makati at Mandaluyong simula mamayang gabi.

Sa abiso ng Manila Water, magsisimula ang kawalan ng suplay ng tubig sa mamayang alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw bukas, Agosto 26.

Bunsod ito ng isasagawang ayusin ang isang tubo ng tubig sa may Santa Mesa District sa Maynila.

Kabilang sa mga maaapektuhan ang mga Barangay 763 hanggang 820, 866, 869, at 873 hanggang 905 sa Maynila.

Apektado naman ang mga barangay ng Carmona, Kasilawan, Olympia, Poblacion, Santa Cruz, Singkamas, Tejeros, at Valenzuela sa Makati.

Maging ang mga barangay Mabini–J.Rizal, Namayan, at Vergara sa Mandaluyong.

Pinapayuhan naman ng Manila Water ang mga maapektuhang residente na mag-ipon ng sapat na tubig na kanilang kakailanganin sa oras na mayroong service interruption.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.