Ilang barangay sa QC, ipinapatupad ang extreme enhanced community quarantine

ITINAAS sa heightened enhanced community quarantine ang Barangay Kalusugan at Tandang Sora sa Quezon City kasunod ng mga kaso ng COVID-19 doon.
Ito ay matapos makapagtala ng tatlong biktima na nagpositibo sa virus.
Ang pagpapatupad ng heightened community quarantine ay bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Duterte na gawin ang striktong pagpapatupad sa enhanced community quarantine kung may dalawang biktima sa isang barangay.
Sa press briefing, sinabi ni DRRM Chief Mike Marasigan na lahat ng mga residente sa barangay ay hindi na pwedeng lumabas.
Sa ngayon, nakapagtala na ang Quezon City ng 29 na nagpositibo sa virus, tatlong nakarekober at isa naman ang nasawi.

Leave a Reply

Your email address will not be published.