Ilang batch ng isang antibiotic brand, ipinapa-recall ng FDA dahil sa ‘inconsistency’

Ilang batch ng isang antibiotic brand, ipinapa-recall ng FDA dahil sa ‘inconsistency’

HINILING ng Cathay Drug Company Inc. ang pagpapa-recall o pagpapabalik ng ilang batch ng kanilang antibiotic para sa bacterial infections gaya ng pulmonya, bronchitis, urinary tract infection (UTI), at iba pa.

Partikular na saklaw rito ang batch na may expiry dates gaya ng Enero, Pebrero, Marso, Mayo, at Hunyo 2026.

Sa paliwanag, hindi pumasa sa kinakailangang production specification ang gamot na Triocef Oral Drops batay sa chemical tests na isinagawa rito ng isang third-party laboratory, kung kaya’t ipinag-utos na rin ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagpapabalik nito.

Dahil sa inconsistency na nakita sa chemical test, hindi na anila matiyak ang pagiging epektibo ng naturang gamot.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble