NAGDEKLARA ng class suspension ang lalawigan ng Cagayan sa ilang bayan nito, ngayong Martes.
Kasunod ito sa nararanasang malakas na pag-uulan dulot ng Tropical Depression Maymay.
Suspendido ang lahat ng antas ng paaralan maging ang trabaho sa gobyerno sa Santa Teresita.
Gayundin ang lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan ng Aparri, Lal-lo, Buguey, —-, Gattaran, Sanchez Mira at Allacapan.
Habang sa bayan ng Claveria, tanging pampublikong paaralan lamang ang suspendido ang pasok.
Pre-school hanggang Senior High School sa Ballesteros at Gonzaga habang pre-school hanggang elementarya naman sa Pamplona.
Maging ang bayan ng Alcala ay nagsuspinde rin ng klase sa nursery at kinder garden.