Ilang casts ng “Tabing Ilog”, nagsama-sama muli para sa isang Netflix film ngayong taon

Ilang casts ng “Tabing Ilog”, nagsama-sama muli para sa isang Netflix film ngayong taon

NAABUTAN niyo ba ang 1999-2002 hit teleserye na “Tabing Ilog”?

Well, walang magiging re-run nito but ang ilan sa casts ng teleserye gaya nina Paolo Contis, Patrick Garcia, at Kaye Abad ay may reunion ngayon!

Sa anunsiyo ng Netflix Philippines, nagsama-sama muli ang tatlo para sa isang Netflix film na may pamagat na “A Journey”.

Ang “A Journey” ay magiging available sa Netflix ngayong April 12.

Samantala, noong Nobyembre 10 hanggang Disyembre 17, 2023 ay nagkaroon ng musical run ang “Tabing Ilog” sa PETA Theater sa Quezon City.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble