Ilang dam sa Luzon, patuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig—PAGASA

Ilang dam sa Luzon, patuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig—PAGASA

RAMDAM na ramdam sa ilang dam sa Luzon ang epekto ng strong and mature El Niño na nararanasan ngayon sa bansa.

Nitong Lunes, nabawasan pa ang lebel ng tubig sa Angat Dam na pangunahing nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila.

Mula sa 209.10 meters noong Linggo, bumaba ito ng 0.18 meters o ngayon ay nasa 208.92 meters.

Bahagya ring bumaba ang lebel ng tubig sa La Mesa, Ambuklao, San Roque, Pantabangan, at Magat Dam.

Habang higit isang metro ang binaba ng lebel ng tubig sa Binga Dam sa nakalipas na 24 oras.

Una namang nanawagan ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrology Division sa publiko na magtipid ng tubig.

Sa monitoring ng PAGASA, aabot hanggang sa buwan ng Mayo ang nararanasang El Niño Phenomenon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble