INARESTO ang ilang dayuhan sa Venezuela matapos pinaghinalaang magsasagawa ang mga ito ng assassination laban sa kanilang pangulong si Nicolas Maduro.
Ayon kay Venezuelan Interior Minister Diosdado Cabello, tatlong Amerikano, dalawang Espanyol at isang Czech national ang kanilang inaresto.
Ang mga ito aniya ay bahagi ng CIA-led assassination plot ng kasalukuyang Venezuelan government.
Dalawang araw lang ang nakalipas nang inilagay ng US Treasury sa sanction ang 16 na kaalyado ni Maduro dahil sa mga ulat ng human rights abuse at pangingialam anila ng mga ito sa Venezuelan presidential election noong Hulyo.