Ilang detalye ng kasunduan sa pagsuko ni Pastor ACQ, ‘di sinunod

Ilang detalye ng kasunduan sa pagsuko ni Pastor ACQ, ‘di sinunod

Sa press conference ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) nitong Setyembre 9, 2024, inilahad na ng legal team kung ano ang kuwento sa likod ng boluntaryong pagsuko ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Saad ni Atty. Israelito Torreon, nagpaliwanag ang mga taga-Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kampo ng KOJC kung bakit hiling nila ang voluntary surrender ng butihing pastor.

“Sila, their aim is for the stability of the nation and they told me na, ‘Attorney, nakikiusap kami sa inyo kasi this is really a possible battle ground where the nation might explode’, parang ganun ba,” saad ni Ani Atty. Israelito Torreon, KOJC Legal Counsel.

16 na araw nag-kampo ang mga pulis sa KOJC compound para lamang hanapin si Pastor Apollo.

Sa kasagsagan ng KOJC siege, hindi ginalang ng mga pulis ang religious rights ng mga taga-simbahan at ginawang command center ang KOJC cathedral.

Binutas din nila ang basement ng Jose Maria College, ang prestihiyosong paaralan ng KOJC.

Sa kabila ng milyun-milyong pisong intel fund na ginamit ng Philippine National Police (PNP) sa operasyon laban sa KOJC, walang resulta ang paghananap.

Dahil dito, nakiusap na nga mismo ang AFP partikular na ang Intelligence Service sa butihing pastor.

“So, we want stability po pero sabi nila, ‘we have to involved the police kasi they have already poured a lot of resources their at tsaka mapapahiya po sila kung hindi natin sila i-involved’, no,” dagdag ni Atty. Torreon.

Samantala, pinuna naman ng KOJC ang hindi pagsunod sa kasunduan ng administrasyon sa voluntary surrender ni Pastor Apollo.

“‘Sir, sana wala talagang media ha.’ So, hindi ito lalabas sabi ni [General Romeo Macapaz.]

“So, nagpicture; So, medyo ‘yung mukha ko doon na parang antok na antok ba, pagod na pagod.”

“So, ‘yun lumarga ‘yung plane at pagdating sa Manila, nagpusot-pusot ‘yung mga text messages kasi si [DILG Secretary Benjamin Abalos] na pala ay nag-post na pala,” saysay ng butihing abogado.

Kaugnay sa nangyari, humingi ng tawad sa KOJC ayon kay Torreon ang mga opisyal na kanegosasyon nito.

“I was shocked na, ‘bakit ito [General Romeo Macapaz]?’

“Hindi ko alam, hindi ko alam ‘yan. Sorry talaga, sorry talaga kasi pinadala ko lang ‘yan kay [Police General Rommel Marbil].”

“So, ‘yan na po, paglabas namin sa C130, naku, may mga camera na,” ani Torreon.

Sabi naman sa amin na,

“Sir bakit naman may mga camera? Di ba, ‘yung agreement natin na total media blackout?”

Sabi niya,

“PIO lang namin ‘yan. PIO lang namin ‘yan.’ Wala na kaming magawa, so, sumakay sa coster.”

Sa ngayon, naghahanda na ang legal team ng butihing pastor para sa paparating na mga pagdinig ng korte.

Ito’y kahit nakapagtataka ang bilis ng issuance ng warrant of arrest sa mga kasong nabasura na laban sa butihing pastor.

Sa isyu ng timing ng pagbuhay sa nasabing mga kaso, panawagan ng legal team ni Pastor Apollo, taumbayan na lang ang humusga.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble