Ilang DOLE projects, nabigyan ng exemption ng COMELEC mula sa BSKE spending ban

Ilang DOLE projects, nabigyan ng exemption ng COMELEC mula sa BSKE spending ban

INAPRUBAHAN ng Commission on Elections (COMELEC) ang exemption ng ilang regular na programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) tulad ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating disadvantaged/displaced workers Program (TUPAD) at DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) o Kabuhayan Program mula sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) spending ban.

Exempted din ang Job Start Philippines Program, Government Internship Program at Special Program for Employment of Students

Kasunod nito, tuluy-tuloy na maipatutupad ng DOLE ang naturang mga programa sa gitna ng election period.

Sa kabila ng exemption, merong ibinigay na ilang kondisyon ang COMELEC gaya ng hindi dapat ito makakaimpluwensiya sa pagdaraos ng BSKE at walang ibibigay na promosyon o taas sahod o benepisyo sa loob ng 45 araw bago ang halalan.

Ipinagbawal naman ng COMELEC ang pamamahagi ng tulong sa ilalim ng Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) mula Oktubre 20-30.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble