Ilang estado sa U.S, nagdeklara ng state of emergency dahil sa Winter Storm

Ilang estado sa U.S, nagdeklara ng state of emergency dahil sa Winter Storm

UMABOT na sa pitong estado ng Estados Unidos ang nagdeklara ng state of emergency dahil sa malaking bagyo na nagdadala ng matinding pag-ulan ng niyebe o snow at nagyeyelong temperatura.

Ang mga lugar na ito ay ang Kansas, Missouri, Kentucky, Virginia, West Virginia, Arkansas, at ilang bahagi ng New Jersey.

Isinailalim naman sa Winter Storm warnings ang mga estado ng South Carolina, Pennsylvania, Kentucky, Illinois, Maryland, Washington DC, Virginia, Arkansas, Indiana, New Jersey, Ohio at West Virginia.

Inilabas naman ang Winter Weather Advisories sa bahagi ng New York, New Jersey, Montana, South at North Carolina, Colorado, Illinois, Pennsylvania, Wisconsin, Virginia, Kentucky, Idaho, Nevada, Wyoming, Vermont, Tennessee, Ohio, Arkansas at Indiana.

Sa ngayon ay higit sa siyamnapung libong katao sa Kentucky ay nawawalan ng kuryente.

Dahil din sa bagyo ay higit sa tatlong daang aksidente sa kalsada ang naitala ng Missouri State High Patrol kung saan nasa tatlumpu’t isa ang kabuuang nasugatan at isa ang nasawi.

Nasa halos dalawang libong flights naman sa buong Estados Unidos ang kanselado.

Patuloy naman ang rescue operations ng national guard para sa mga na-stranded na motorista partikular na sa mga pangunahing lansangan sa Kansas, Western Nebraska at bahagi ng Indiana na nababalutan ng makapal na snow.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble