INANUNSIYO ng Department of Migrant Workers (DMW) na naghahanap ang ilang European countries ng mga Pinoy nurses at caregivers.
Partikular na nakipag-ugnayan sa Pilipinas ang mga bansa tulad ng Croatia, Slovenia, at Denmark maging ang Singapore.
Sa Croatia, maliban sa Pinoy nurses at caregivers, kailangan din nila ng nasa 3.5K na Pinoy workers sa hospitality at tourism sectors.
Sa lahat ng mga interesado, sinabi ng DMW na i-monitor ang kanilang website hinggil dito upang makaiwas sa scam.