Ilang evacuees sa Daraga, Albay, siksikan na sa evacuation centers

Ilang evacuees sa Daraga, Albay, siksikan na sa evacuation centers

NASA higit 600 pamilya ang nailikas mula sa Brgy. Miisi, Budiao, Banadero, at Matnog sa bayan ng Daraga patungo sa evacuation centers.

Tinatayang nasa higit 600 pamilya ang nailikas mula sa Brgy. Miisi, Budiao, Banadero, at Matnog sa bayan ng Daraga patungo sa evacuation centers.

Hunyo 8 pa lang ay sinimulan na ang paglilikas sa mga residente na nakatira sa loob ng danger zone.

Ito ang naging hakbang ng Albay Provincial Government na agad mailikas ang mga pamilya na malapit sa Bulkang Mayon o nasa loob ng 6km danger zone.

Prayoridad ang mga kababayang walang permanenteng relocation sites o pabahay na nasa palibot ng danger zone.

Sinisiguro din ng lokal na pamahalaan ang kalinisan at kalusugan ng internally diplaced persons (IDP) lalo’t hindi pa rin naaalis ang banta ng COVID-19.

Kabilang na dito ang pagsunod sa wastong sanitasyon ng mga evacuees, pagpapanatili ng kalinisan ng maintenance team mula sa lokal na pamahalaan Daraga.

At pagtulong sa anumang isyung may kaugnayan sa suplay ng tubig o kuryente sa evacuation center.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter