Ilang flagship ng Ayala Malls, sasailalim sa redevelopment sa loob ng 2 taon

Ilang flagship ng Ayala Malls, sasailalim sa redevelopment sa loob ng 2 taon

SASAILALIM sa redevelopment projects ang ilang flagship ng Ayala Malls sa loob ng 12 hanggang 24 na buwan.

Ang tinutukoy na mga mall ay ang Greenbelt 2, Glorietta, at Trinoma Malls.

Hindi naman ibig sabihin na isasara nang buo ang nabanggit na malls dahil ayon kay Ayala Land Malls Inc. Chief Operating Officer Paul Andrew Birkett, “sequential” ang magiging approach nila.

Sa pamamagitan ng renovation ay target rin ng Ayala Land na maging shopping powerhouse ng Southeast Asia ang Greenbelt.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble