INATAKE ng mga rebelde sa Syria nitong Miyerkules, Nobyembre 27, 2024 ang ilang lugar sa kanilang bansa na kontrolado pa ng pamahalaan.
Sa ulat ng Syrian Armed Forces nitong Huwebes, tinatayang 15 nayon ang na-takeover ng mga rebelde.
Kabilang sa mga na-takeover ang isang military base kung saan na-hostage ang ilang mga sundalo.
Sa panig ng mga rebelde, ang kanilang mga pag-atake sa gobyerno ay magsisilbing daan upang makabalik na ang kanilang mga kababayan na na-displaced dahil rin sa mga pambobomba ng pamahalaan sa nakalipas na mga linggo.