Ilang high ranking NPA officials, sumuko sa militar sa Misamis Oriental

Ilang high ranking NPA officials, sumuko sa militar sa Misamis Oriental

KUSANG sumuko ang anim na mga miyembro at ilang high ranking officials ng New People’s Army (NPA) kasama ang kani-kanilang mga armas sa kuta ng 58th infantry Dimalulupig Battalion’s headquarters sa Sitio Migbanday, Barangay Poblacion, Claveria, sa probinsiya ng Misamis Oriental.

Ayon sa report ng 58 ID, matagal na anilang nais na sumuko ang nasabing mga NPA officials dahil sa hirap na pinagdadaanan ng mga ito sa kabundukan ng Misamis Oriental, pero, hinaharang at pinipigilan sila ng kanilang mga lider ng armadong grupo.

Ngunit ng makahanap ng tiyempo, agad silang humingi ng tulong mula sa mga otoridad at kasalukuyang nakikinabang ng ligtas na pamumuhay sa ilalim ng superbisyon ng mga militar.

Kinilala ang mga sumuko na sila alias Aba, squad leader ng platoon; Ryan, 23-taong gulang at ang kaniyang asawa na si alias Angie, 23-taong gulang, squad medic ng kaparehong platoon, parehong residente ng Purok – 3B, Brgy. Mat-i, Claveria, Misamis Oriental.

Kasama rin sa mga sumuko sina alias Douglas, political guide, Squad Dos, Platoon Eagles, 24-taong gulang at resident ng sitio Aligodon, Brgy. Mat-i, Claveria, Misamis Oriental.

Kasamang sumuko ang asawa ni Douglas na si alias Kimyan, member ng Squad Tres, 17 -taong gulang, at residente ng Sitio Kamansi, Brgy. Banglay, Lagonglong, Misamis Oriental.

Hirap, pagod, gutom at liko-likong paniniwala ay ilan lang sa mga rason ng pagsuko ng ilang NPA officials sa nasabing probinsiya.

SMNI NEWS