Ilang indibidwal, pinakakasuhan ng Senado hinggil sa overpriced laptops

Ilang indibidwal, pinakakasuhan ng Senado hinggil sa overpriced laptops

INIREREKOMENDA ng Senate Blue Ribbon Committee na maghain ng kasong graft and corruption laban sa ilang opisyal ng PS-DBM at Department of Education (DepEd).

Hinggil ito sa isyu ng overpriced laptops na binili noong 2021 para sa mga guro ng pampublikong paaralan.

Sa draft committee report ng Senate Blue Ribbon, aabot sa 979 million pesos ang overpriced sa mga laptop.

Ilan sa mahaharap sa kasong graft and corruption sina:

– dating DepEd Usec. Alain del Pascua

– dating PS-DBM Officer-In-Charge Lloyd Christopher Lao

– dating DepEd Asec. Salvador Malana III

– DepEd Usec. Annalyn Sevilla

– dating PS-DBM OIC Jasonmer Uayan

– Bids and Awards Committee Chair Ulysses Mora

– DepEd Director for ICT Service Abram Abanil

– at iba pa

Maliban pa dito, inirerekomenda rin sa Commission on Audit ang mag-issue ng notice of disallowance laban kina Sevilla, Pascua, at Malana para sa 979 million pesos na overpriced laptops.

Hindi naman kasama sa pakakasuhan si dating Education Sec. Leonor Briones dahil ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chair Sen. Francis Tolentino, nagamit lang ito para aprubahan ang procurement ng laptops.

Sa kabilang banda ay pinabubuwag din ng Blue Ribbon Committee ang PS-DBM.

Follow SMNI NEWS in Twitter