Ilang jeepney drivers, umatras sa online delivery services

Ilang jeepney drivers, umatras sa online delivery services

BAGAMA’T nabigyan ng pagkakataon na muling makapamasada sa pamamagitan ng online delivery services na handog sa kanila ng Quezon City LGU ay umatras na mismo ang jeepney drivers  sa handog na tulong sa kanila ng local na pamahalaan.

 

Ayon sa mga nakapanayam ng SMNI News na jeepney drivers, tumigil sila sa online delivery services application dahil sa ibat-ibang rason.

 

Bukod sa pahirapan sa kanila ang pagggamit ng makabagong teknolohiya tulad ng online services app at smart phone ay pumapalag din sila sa systema ng pag-deliver dahil sa kung saan-saan lang sila dinadala ng application.

 

Ipinunto ng mga tsuper na hindi kayang pasukin ng kanilang malalaking jeep ang mga makikipot o masisikip na daan.

 

Bagama’t posibleng bumalik na lamang sa pamamalimos ang ilan sa kanila para maitawid sa gutom ang kanilang pamilya ay malaki naman ang kanilang pasasalamat sa posibilidad na pagbabalik kalsada sa nakaugalian nilang systema kasunod ng anunsyo ng LTFRB na maaari nang bumalik sa operasyon ang mga traditional jeep sa susunod na linggo.

 

Sa katunayan, kinokondisyon na  ngayon ng ilang mga driver ang kanilang mga yunit alinsunod sa ipinatutupad na guidelines para sa public transportation

 

Kapansin-pansin sa lugar kung saan nakatengga ang mga sasakyan, dahil sa sobrang tagal na wala silang biyahe, ang ilan sa mga yunit ay tinubuan na ng iba’t ibang halaman, may pugad na rin ng manok at ang iba ay nangangalawang na din.

May isa pang problema ang mga tsuper ng jeep nang mabalitaan nilang napalitan sila ng ruta bilang pagbibigay prayoridad sa mga modernong jeepney.

 

POL MONTIBON

Leave a Reply

Your email address will not be published.