Ilang jeepney transport group, nagsagawa ng tigil-pasada sa Malabon; LGU, magbibigay ng libreng sakay

Ilang jeepney transport group, nagsagawa ng tigil-pasada sa Malabon; LGU, magbibigay ng libreng sakay

MULING nagsagawa ang ilang jeepney transport groups ng tigil-pasada ngayong araw ng Martes, Hunyo 24 sa lungsod ng Malabon.

Ito ay bilang pagtutol sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado dahil sa nangyayaring giyera sa pagitang ng Israel at Iran.

Kaya naman, bilang tugon, nakahanda ang pamahalaang lungsod ng Malabon sa pangunguna ng Public Safety and Traffic Management Office katuwang ang ibang mga tanggapan na magbibigay ng libreng sakay para sa mga komyuter na posibleng maapektuhan ng tigil-pasada.

Ayon pa sa pamahalaan, kung sakaling ma-stranded o walang masakyan, maaaring mag-text o tumawag sa mga sumusunod na numero:

Malabon Command Center

0942-372-9891

0919-062-5588

(02) 8921-6009

(02) 8921-6029

TXTMJS

0917-689-8657 / 225687

Samantala, nagpaalala rin ang pamahalang lungsod ng Malabon na aabot sa isa punto walumpung (1.80) metro ang high tide ngayon araw kayat pinaaalalahanan ang lahat na maging handa at alerto sa pagtaas ng tubig sa kaniya-kaniyang mga lugar.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble