Ilang kabataan sa KOJC religious compounds, nakararanas ng anxiety dahil sa marahas na raid ng PNP-SAF

Ilang kabataan sa KOJC religious compounds, nakararanas ng anxiety dahil sa marahas na raid ng PNP-SAF

‘HEAVEN on Earth’ kung ituring ng lahat ng Kingdom Citizens, lalo na ng mga kabataan, ang lahat ang KOJC religious compounds – lalo na ang mismong headquarters nito sa Davao City – ang Prayer at Glory Mountain sa paanan ng Mt. Apo.

Pero papaano mo maipapaliwanag sa mga batang walang muwang, na ang itinuturing nitong ligtas na lugar ay bigla na lang gagambalain at sasalakayin ng mga armadong awtoridad?

 “I’m so scared from the bad guy, the bad guys. When the bad guys come here, I always hide in the rock, I’ll do like that. Because I’m so scared,” sabi ng batang si Princess.

“Winasak nila ang gate, (ano naramdaman po pagwasak sa gate?) galit (bakit?) ang tito ko binugbog,” sabi naman ng batang si John.

“Kinabahan ako nung makita ko ang mga pulis na naka full battle gear dahil wala kaming kalaban-laban, pagkatapos nakipag kapit-bisig ako, kinabahan ako lalo na nung sinira ang gate, wala silang respeto sa lugar,” ayon naman kay Ace.

Ang dating masayang pamumuhay ng mga batang ito na lumaki sa Kingdom of Jesus Christ ay napalitan ng galit at takot matapos ang marahas na paglusob ng PNP-SAF at CIDG sa mga religious compound ng KOJC.

Ayon sa isang psychologist, hindi maisasantabi ang mga ganitong klaseng damdamin at reaksiyon sa mga bata na nakaranas ng matinding stress at trauma.

“If a child may have experienced and first-hand witness a significant amount of stress, anxiety after being caught a traumatic event, maaari talaga itong magdulot ng intense fear, at saka sense of danger,” ayon kay Abegail Grace Escobido, Psychologist.

Ayon kay Abegail Grace Escobido, may mga dapat tingnan sa mga bata na siyang puwede maging sintomas na ito ay nakararanas ng matinding anxiety at stress matapos ang isang traumatic experience.

 “It is considered normal response to a confusing and frightening situation. Now, in order for us to help and manage a child’s emotion and perception. There are some things that we can do first is to acknowledge their feelings. It is very important to have an emotional validation during this time. Second, is to reassure and continuously reassure that the child is still in a safe place they are in a place where you can consider there is safety. Third is we need to encourage the children to express their feelings and thoughts in a manner that they are comfortable with. Pang-apat is to create also a safe environment. Paano natin gagawin ‘yung safe environment? We can have a calm and predictable that the child feels secure. Puwede rin natin sila turuan ng coping skills tulad ng mga calming techniques simple exercise, pagda-drawing or even playing with their toys can actually manage their anxiety and lastly it is also recommended na kailangan talaga mag-seek ng professional support. It is very important by turning fear into understanding and providing reassurance, we can help children see the safety and kindness actually still prevail even after this frightening experience,” paliwanag ng Psychologist.

Debriefing, makatutulong para mapanumbalik ang ‘sense of safety’ ng mga kabataan nakaranas ng trauma

Kaya naman tiniyak ng pamunuan ng KOJC na sumailalim sa debriefing ang mga bata sa mga religious compound na na-trauma dahil sa marahas na paraan ng paglusob ng PNP SAF sa mga religious compound.

“Napakaimportante ng debriefing lalo na after dun sa event na na-witness nila. It can actually help children one, process their emotion. Pangalawa, help them understand and make sense of what had happen and also reduce the risk of long-term trauma and lastly, makakatulong talaga si debriefing when it comes to restoration of the sense of safety and normalcy. Debriefing can actually be a key to help children heal, understand, and also regain the sense of safety,” ani Escobido.

Ang June 10, 2024 ay aalalahanin na bilang ‘Day of Infamy’. Tatatak sa puso’t isipan ng milyun-milyong KOJC missionaries ang karumal-dumal na karanasang sinapit ng mga walang kalaban-labang manggagawa ng simbahan sa kamay ng mapang-aping gobyerno. ‘Di man malilimutan ang araw na ito ay magsisilbi naman itong aral sa lahat ng mga kabataan ng KOJC na pag-ibayuhin pa ang kabutihan sa kanilang puso na siyang turo ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble