Ilang kalsada, isinara para sa INC National Peace Rally; QC, walang face-to-face classes ngayong Lunes

Ilang kalsada, isinara para sa INC National Peace Rally; QC, walang face-to-face classes ngayong Lunes

MAGPAPATUPAD ng traffic management at deployment plan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa national peace rally sa Quirino Grandstand.

Kaninang 4:00 AM nitong Lunes, Enero 13, 2025 nagsimulang isara ang mga kalsada tulad ng:

  • Katigbak Drive
  • South Drive
  • Roxas Blvd. (mula UN Ave patungong P. Burgos)
  • TM Kalaw
  • Bonifacio Drive (mula p. Burgos patungong Anda Circle)
  1. Burgos (mula Roxas Blvd. patungong Taft Avenue)
  • Maria Orosa

Narito naman ang alternate routes para sa public utility vehicles at private vehicles papuntang northbound mula sa Roxas Boulevard:

  • Kumanan sa Quirino Avenue o UN Avenue; kaliwa sa Taft Avenue patungo sa destinasyon
  • Sa private vehicles na papuntang southbound mula R-10 hanggang Bonifacio Drive at patungong Anda Circle, kaliwa sa Soriano Avenue, kanan sa Muralla St., kaliwa sa Magallanes Drive, kumanan sa P. Burgos hanggang Taft Avenue patungo sa destinasyon.
  • Para sa trucks na papuntang North Harbor mula sa SLEX, diretsuhin ang Osmeña Highway, kanan sa Quirino Avenue, diretso sa Nagtahan St. patungong Lacson Avenue, kaliwa sa Yuseco St., diretso sa Capulong St., kaliwa o kanan sa R-10 patungo sa destinasyon
  • Samantala, ang trucks na magmumula sa Parañaque Area ay kinakailangang kumanan sa Quirino Avenue papuntang nagtahan at Lacson Avenue patungo sa destinasyon
  • Maaari namang gumamit ng kaparehong ruta ang trucks na patungong south

Nasa 1,300 MMDA personnel ang idineploy upang pamahalaan ang daloy ng trapiko.

Samantala, suspendido ang face-to-face classes mula Day Care hanggang Senior High School at Alternative Learning System (ALS) sa Quezon City ngayong Lunes.

Ito’y dahil pa rin sa INC National Peace Rally.

Sarado rin ang mga tanggapan ng lokal na pamahalaan maliban sa health, disaster, at essential services ngunit tuloy naman ang online transactions sa QC E-services.

Ang mga pampublikong paaralan ay inaasahang magpatuloy sa alternative learning modes, habang ang private schools at companies ay may kalayaang magpasya sa kanilang operasyon.

Ganito na rin ang ipinatupad sa Davao City at Iloilo City.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble