Ilang kandidatong lalahok sa SMNI Senatorial Debates, dumating na

Ilang kandidatong lalahok sa SMNI Senatorial Debates, dumating na

DUMATING na ang ilang kandidatong lalahok sa SMNI Senatorial Debates.

Hiningan ng plataporma ng publiko ang mga dadalong kandidato para sa unang araw ng 2day SMNI Senatorial Debates 2022.

Mula sa matagumpay na pagtatanghal na kauna-unahang live SMNI Presidential Debates 2022 noong February 15 na umani ng kaliwa’t kanang suporta at pagbati, muling pangungunahan ng Sonshine Media Network International ang 2day Senatorial debates ngayong araw hanggang bukas March 3.

Mula sa mga  inimbitahang kandidato, isa-isang maglalahad ang mga ito ng kanilang plataporma, mga nakatakdang pagbalangkas ng mga batas na magiging basehan sa paglago ng ekonomiya kasabay ng inaasahang pag-angat ng pamumuhay ng maraming Pilipino at mga kahalintulad na programa at proyekto para sa lahat.

Kaugnay nito, ilan sa mga nagtungo sa nasabing programa ay umaasa na mararamdaman nila ang pagbabago sa susunod na administrasyon sa pamamagitan ng mga batas na gagawin nila sa Senado.

Mula sa kalagayan ng mga senior citizen at dagdag na benepisyo ng mga ito.

Samantala, bukod sa mga nabanggit, nais din ng mga bisita na mabanggit ng mga kandidato ang plano ng mga ito sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, kung papaano madagdagan ang kita ng mga mamamayan at paano mabibigyan ng trabaho ang taumbayan.

Para kay Atty. Larry Gadon na isa sa mga maagang dumating sa pagganap ng debate, nakahanda siyang ibigay ang lahat ng kanyang nalalaman sa pagbalangkas ng batas na makatutulong sa paglago ng ekonomiya.

Umaasa rin ang kandidato na magiging seryoso ang kanilang talakayan sa entablado bilang ang SMNI ay kilala sa pagkakaroon ng malaya ngunit intelektwal na pagtatanghal ng debate.

Para naman kay dating Secretary John Castresciones na isa rin sa mga naimbitahang kandidato, umaasa rin siya na mailalahad nito ang kanyang mga nais gawin para sa mamamayang Pilipino.

Follow SMNI NEWS on Twitter