Ilang kawani ng national media, sumailalim sa firearms proficiency ng PNP

Ilang kawani ng national media, sumailalim sa firearms proficiency ng PNP

PINANGUNAHAN mismo ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang isang fire safety and proficiency firing sa Camp Karingal, Quezon City.

Dinaluhan ito ng mga kawani ng national media.

Ayon kay General Azurin, mainam na hakbang ito para ipakilala ang tamang paghawak, pagpapaputok at responsableng pagmamay-ari ng baril.

Bukas naman ang PNP na mag-aplay ang mga kawani ng media ng paghawak o pagmamay-ari ng baril kung sa tingin nito ay kailangan sa kanilang trabaho.

Magsisilbi rin naman itong proteksiyon sakaling nakatatanggap ng mga banta sa buhay ang mga media practitioner sa kanilang pagganap ng tungkulin.

Ilan sa mga aktibidad na nilahukan ng mga media personnel ang range rules, 4 rules of gun safety, firearms identification, loading and clearing of hand gun, fundamentals of shooting, dry firing at live firing.

Follow SMNI NEWS in Twitter