Ilang kilalang personalidad namataan sa National Rally for Peace ng INC

Ilang kilalang personalidad namataan sa National Rally for Peace ng INC

HINDI mahulugan ng karayom ang Quirino Grandstand sa sobrang dami ng tao na dumalo sa ginawang Natiowide Rally for Peace and Peace Reconcilation na pinangunahan ng religious group na Iglesia ni Cristo (INC).

Ang nasabing rally ay ginawa rin sa iba’t ibang rehiyon dito sa Pilipinas na dinaluhan ng mga miyembro ng nabanggit na grupo.

Layon ng naturang peace rally na maipaabot sa kasalukuyang administrasyon ang kanilang panawagan na tigilan na ng mga politiko ang mga sariling interes at magkaisa na sulusyonan ang pangunahing isyu ng bayan.

Maliban sa mga myembro ng INC, present din sa rally ang ilang mga kilalang personalidad.

Para kay senatorial aspirant Jimmy Bondoc kaya maraming Pilipino ang lumalabas at isinisigaw ang kanilang mga hinaing, ito’y dahil sawa na aniya ang mga ito sa ginagawang paglapastangan sa Konstitusyon.

“Ngayon mapaparinig natin sa Kongreso at sa lahat ng antas ng pamahalaan na pagod na tayo sa mga blatant violations of our own Constitution,” ayon kay Jimmy Bondoc, Senatorial Aspirant.

Naniniwala siya na sa pagkakataong ito, makikinig na ang kasalukuyang administrasyon dahil sa dami ng mga Pilipinong nagra-rally sa mga kalsada.

“Ang masakit na katotohanan, ang gobyerno ay talagang hindi nakikinig unless theyre big numbers, kailangan malaki ang numero kung minsan kahit gaano katotoo ang sinasabi ng isang tao kahit eksperto pa ‘yan, kahit political pa ‘yan, ‘pag nag-iisa siya hindi siya pinakikinggan pero ‘pag dami which what we’re trying to show now, nakikinig na ang gobyerno,” saad nito.

Ayon naman kay Vivian Velez, Vice President-NCR, PDP-Laban, ang kawalan ng kapayapaan at magulong politika ang nag-udyok hindi lang sa mga taga-INC kundi maging sa lahat ng mga Pilipino na mag rally sa kalsada.

“Wala po tayong peace ngayon sa ating bayan, sa ating bansa, so we are calling for peace at dahil medyo chaotic ang ating political landscape at this point,” saad naman ni Vivian Velez, Vice President-NCR, PDP-Laban.

Kaya panawagan niya sa administrasyon ni Marcos Jr.

“So marami na ‘yong ating mga Maisug at marami na at dadami pa ito, sana ‘yong ating panawagan, ‘yong peace siguro magkakaroon lang tayo ng peace kung bababa ang ating Pangulong Marcos, ‘yon lang po ang aking panawagan,” ani Velez.

Kaugnay rito sinabi rin ni Dr. Loraine Badoy, dating tagapagsalita ng NTF-ELCAC na kaya nangyari ang lahat ng ito, ‘yon ay dahil sa pagsasawalang-bahala ni BBM sa mga problema ng bansa na dapat solusyonan.

“Kasi ano bang natutunan natin dito kay Bongbong Marcos kasi hindi siya nakikinig sa mga Pilipino. Ang tawag nya sa atin noise, ‘yong legitimate na hinang natin, ‘yong sa katiwalian, ‘yong sa PhilHealth, lahat ‘yan, massive na corruption na nakikita natin, sa education the most corrupt bugdget in the country ano ba sinabi nya, noise lang ‘yon, so hindi siya nakikinig,” ayon kay Dr. Lorraine Badoy Former Spokesperson, NTF-ELCAC.

Panawagan niya sa mga Pilipino.

“Ngayon tumatayo ang INC, napakaganda ng tayo nila, ganito magmahal sa bayan, ganito ang nakikita ko na sinasabi ng Iglesia ni Cristo, sabayan natin sila, turuan din natin ng leksyon itong mga abusado at arogante sa gobyerno na hindi sila ang may-ari ng Pilipinas, na tayo demokrasya, atin yan,” saad ni Dr. Badoy.

Naniniwala naman si Cathy Binag na magiging matagumpay ang nabanggit na peace rally.

“Like what I said na kapag ang isang gawain may Panginoon God, center siya, mangyayari ‘yong mga dapat nating hangarin kasi deviciveness is ‘pag centered mo yong buhay mo, plano mo, yong hangarin, o  may guidance ang Panginoon, hindi ka mabibigo eh, ‘yong expectation ko sa raly na’to isa—magiging successful,” saad ni Cathy Binag.

Gayunpaman, may mga miyembro ng INC na kilala ang SMNI at ipinagsisigawan nila ang pangalan ni senatorial aspirant Pastor Apollo C. Quiboloy, patunay na nagkakaisa ang mga layunin ng mga Pilipino na magkaisa na ayusin ang Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble