Ilang kompanya ng langis, magpapatupad ng oil price hike

Ilang kompanya ng langis, magpapatupad ng oil price hike

MAGPAPATUPAD ng oil price hike ang mga kompanya ng langis simula March 7.

Una nang nag-abiso ang Pilipinas Shell ng 40 sentimos na taas-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina.

P1.50 naman ang dagdag sa kada litro ng kanilang diesel habang P1.25 sa kada litro ng kanilang kerosene.

Epektibo ang price hike ng Shell bukas ng 6 ng umaga.

Inaasahan namang mag-aanunsiyo rin ng kanilang price adjustment ang ilan pang kompanya ng langis ngayong araw.

Follow SMNI NEWS in Twitter