Ilang kompanya ng langis, may taas-presyo simula bukas

KASUNOD na kapiranggot na rollback noong Martes, may taas presyo naman ang ilang kompanya ng langis bukas, Enero 5, 2021.

Sa abiso ng Shell at SeaOil, nasa 45 sentimos ang taas-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina.

Nasa 30 sentimos naman ang dagdag sa kada litro ng kanilang diesel habang 40 sentimos ang dagdag sa kada litro ng kanilang kerosene.

May kapareho ring price hike sa gasolina at diesel ang Petro Gazz at CleanFuel.

Pawang epektibo ang oil price adjustment, alas sais ng umaga bukas maliban lang sa CleanFuel na alas 4:01 ng hapon magiging epektibo.

Inaasahang mag-aanunsyo rin ngayong araw ng oil price hike ang ilan pang kompanya ng langis.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.