Ilang konsehal sa Pasig City, naghain ng kandidatura para sa midterm elections 2025

Ilang konsehal sa Pasig City, naghain ng kandidatura para sa midterm elections 2025

UMAGA pa lang ay unti-unti nang nagsidatingan ang mga taga-suporta at mga reelectionist councilor ng Distrito Uno ng lungsod ng Pasig, araw ng Miyerkules, Nobyembre 2, 2024.

Ito ay para sa paghain nila ng Certificate of Candidacy (COC) para muling tumakbo sa midterm elections 2025.

Nais anila nilang maipagpatuloy ang nasimulan sa kanilang mga adbokasiya, programa, at naipasang ordinansa.

Sinabi nga ni incumbent Floor Majority Leader 1st District Councilor Mark Gil Delos Santos, sa oras na palarin ay nais niyang maging prayoridad ang mga nasa sektor ng transportasyon.

“Kauna-unahang sa buong Pilipinas gagawin naming libre ang prangkisa ng tricycle rito sa Pasig City para tunay na makinabang ay mga mahihirap nating kababayan at siyempre pakiusap lang namin ay huwag lang maningil nang sobra sa pasahe. Sapat ‘yan at walang hinihinging kapalit ang ating lungsod Pasig,” ayon kay Mark Gil Delos Santos, Incumbent 1st City Councilor.

Napakahalaga anila ng transparency sa isang administrasyon upang mas umunlad ang isang lokal na pamahalaan.

Ito anila ang patuloy na gagawin ng mga konsehal sa nasabing distrito sa pangunguna ni Pasig City Mayor Vito Sotto.

“I think mahalaga rito ang continuity ng naumpisahan namin that’s why we are praying and hoping that the people will give us a chance,” saad ni Raymund Francis Rustia, Incumbent 1st District Councilor.

Hindi rin pinalampas ng batang Tantoco ang pagkakataon na muling tumakbo sa midterm election 2025 para sa kaniyang ikalawang termino bilang konsehal sa Unang Distrito.

Wala pa aniya sa ngayon ang planong pagtakbo sa mas mataas na posisyon kaya mas pagtutuunan niya ng pansin ang pagiging konsehal.

“Unang-una, it’s my first term so we are taking it one step at a time and marami pa tayong kailangang gawin sa council under the leadership of Mayor Vico. So, focus muna tayo doon,” ayon kay Simon Gerard Tantoco, Incumbent 1st District Councilor.

Sa kabuuan nasa limang incumbent City Councilors ng 1st District ang sabay-sabay na naghain ng kanilang kandidatura sa ilalim ng Giting ng Pasig alliance.

Posible naman umanong maghain ng kandidatura si City Mayor Vico Sotto sa Biyernes, Oktubre 4 bilang reelectionist.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble