Ilang kompanya ng langis, may bigtime oil price hike simula bukas

BAD news sa mga motorista, muling magpapatupad ng bigtime price hike sa produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis bukas, araw ng Martes.

Bunsod ito ng pagmahal ng produktong petrolyo sa world market.

Sa abiso ng Pilipinas Shell, SeaOil at Caltex, nasa piso ang dagdag-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina.

Nasa piso at limang sentimos naman ang dagdag sa kada litro ng kanilang diesel habang 95 sentimos ang dagdag sa kada litro ng kanilang kerosene.

May kapareho ring price adjustment sa gasolina at diesel ang Petro Gazz at CleanFuel.

Pawang epektibo ang bigtime oil price hike, alas sais ng umaga bukas maliban sa Caltex na alas 12:01 ng madaling araw at sa CleanFuel na alas 4:01 ng hapon magiging epektibo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.