Ilang kumpanya ng langis, magpapatupad ng malakihang bawas-presyo sa produktong petrolyo

MULING magpapatupad ang ilan pang kumpanya ng langis ng malakihang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo simula bukas, Marso 24.

Sa abiso ng kumpanyang Petro Gazz at Shell Philippines, matatapyasan ng P3.50/ L ang kanilang gasolina P2.00/L naman sa diesel.

Mayroon ring bawas-presyo sa kerosene ang kumpanyang Shell na aabot sa P3.50/L.

Una namang nagpatupad ng kanilang oil-price rollback nitong weekend ang kumpanyang Phoenix Petroleum Philippines at Clean Fuel.

Nabawasan ng P2.00/L ang kanilang diesel habang P3.00 naman ang natapyas sa kada litro ng kanilang gasolina.

Ang naturang oil price rollback ay bunsod pa rin ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa takot na dala ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.