MULING magpatutupad ng dagdag–presyo sa kanilang produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis ngayong linggo.
Batay sa estimated price, tataas mula P2.40-P2.70 ang kada litro ng diesel.
Habang mula P0.30–P0.60 ang kada litro ng gasolina at mula P1.60-P2.00 ang kada litro ng kerosene.
Ayon kay Department of Energy–Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, ang pagtaas ng presyo ay bunsod pa rin sa sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Samantala, umaabot na sa P28.70 ang itinaas sa presyo ng gasolina ngayong taong 2022 simula nang magpatupad ng oil price hike.
Habang P41.15 sa kada litro ng diesel at P37.95 naman sa kada litro ng kerosene.