Ilang labor groups, nanawagan para aprubahan ang Paid Pandemic Leave Bill

Ilang labor groups, nanawagan para aprubahan ang Paid Pandemic Leave Bill

NANAWAGAN ang ilang labor groups para sa madaliang pag-apruba ng batas na Paid Pandemic Leave Bill.

Dalawampu’t isang labor groups ang lumagda ng kasulatan na sumusuporta sa Paid Pandemic Leave Bill o HB 7909 na ipinasa ng Gabriela party-list.

Iminungkahi ng mga grupo na kinabibilangan ng Anakpawis Party-list at Kilusang Mayo Uno (KMU) na bagaman nakabinbin pa lamang ang panukala at dapat nang gamitin ng pamahalaan ang ipon nito mula sa budget at sobrang pondo ng militar at pulis bilang quarantine pay sa mga manggagawa.

Ibinahagi rin ng mga grupo ang pagkadismaya ng mga ito sa government-funded supersonic missiles para sa Philippine Navy na nagkakahalaga ng $374 million o nasa P19 bilyon.

“It is disappointing that the military would spend on expensive equipment, while we can’t get enough assistance, support, and additional pay. We believe that this should be fixed,” ayon sa labor groups.

Nauna nang sinabi ng militar na ang pagbili ng supersonic cruise missiles mula sa India ay makakatulong sa bansa upang depensahan ang maritime borders nito kabilang na ang pinag-aagawang parte ng West Philippine Sea (WPS) na inaangkin ng China at iba pang kalapit na bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter