MAAARI nang tumanggap ang ilang local government units (LGUs) ng mga bisita na nakakumpleto na sa COVID-19 vaccine sa pamamagitan ng vaccination card na ipakikita ng mga ito.
Ito’y matapos ipalabas ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang bagong alintuntunin kaugnay sa travel requirements.
Ayon sa IATF bahagi ito ng unti-unting pagluluwag ng pamahalaan sa pagbiyahe ng mga Pilipino lalo na ang mga nakakumpleto na sa COVID-19 vaccine.
Welcome naman sa Cebu Pacific ang panibagong alintuntunin na iniatas ng IATF.
Sinabi ng Cebu Pacific sa ngayon Bacolod, Tacloban, Cotabato, Cauayan City of Isabela Province ang tumatanggap ng vaccination card bilang travel requirements kapalit sa RT – PCR negative test result.
Ayon sa Cebu Pacific at least 14 days matapos tumanggap ng 2nd dose ang isang pasahero saka lamang kinokonsiderang fully-vaccinated ito at maaari nang bumiyahe.
Inaasahan na may mga ilang local government unit ang susunod na rin sa bagong patakaran sa paggamit ng vaccination card bilang travel requirement.
BASAHIN: Fully vaccinated tourists, maaari nang pumasok sa Baguio City kahit walang COVID-19 test results
Mga mandadaya ng vaccination card, aarestuhin
Samantala, binalaan ni Presidential Spokesperson Harry Roque Jr. ang mga biyahero laban sa mga mamemeke ng COVID-19 vaccination cards kung lalabas ng borders.
Aniya, ito ay isang grave sin at magkakaroon ito ng mabigat na kaparusahan kasama na ang pagkakakulong.
Ito ay matapos payagan na ng gobyerno na maglakbay ang mga indibidwal na nakakumpleto na fully vaccinated na papasok at palabas ng mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine at Modified General Community Quarantine kahit hindi na mag-presenta ng negative COVID-test result.
Sa kabila nito, dapat pa ring ipresenta ang COVID-19 vaccination card.
Sa ilalim ng revised penal code, ang jail time ng guilty ng falsification of public documents ay mula 2 hanggang 6 na taon.