Ilang LGUs, tutol sa pagbabalik-operasyon ng mga bus na manggagaling sa NCR

Ilang LGUs, tutol sa pagbabalik-operasyon ng mga bus na manggagaling sa NCR

SA kabila ng mga panawagan na ibalik ang operasyon ng mga provincial bus ay maraming local government units (LGUs) mula sa Luzon at Visayas ang tutol sa ideyang ito.

Ito ay sa kadahilanang ang Metro Manila ang epicenter ng coronavirus sa bansa.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chair Martin Delgra III, bagaman nakahanda silang muling payagan ang operasyon ng mga provincial bus sa kani-kanilang lugar ay karamihan naman ng LGUs ay tutol dito dahil na rin sa banta ng COVID-19.

Matatandaan na hiniling ng umapila ang Provincial Operators Association of the Philippines sa LTFRB na payagan ang ilang provincial buses nang ibaba ang Metro Manila sa General Community Quarantine status.

Ngunit ani Delgra, dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 sa National Capital region ay ayaw pa ring pumayag ng mga LGU na buksan ang kani-kanilang borders.

Nilinaw naman ni Delgra na ang ilang rutang binuksan sa mga piling lugar sa mga probinsiya ng Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna ay itinuturing na “commuter routes” dahil sa malaking bilang ng workforce ng Metro Manila ay nangagaling sa Greater Manila Area.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.