Ilang lokal na opisyal ng NegOr, unti-unting lumalantad para ituro ang mga nasa likod ng krimen sa lalawigan—PNP

Ilang lokal na opisyal ng NegOr, unti-unting lumalantad para ituro ang mga nasa likod ng krimen sa lalawigan—PNP

UNTI-unti nang lumalantad ang mga lokal na opisyal ng Negros Oriental para ituro ang taong nasa likod ng ilang krimen sa kanilang lalawigan.

Ito ang kinumpirma ni PNP chief PGen. Rodolfo Azurin, Jr. sa isang pulong balitaan nitong Lunes, March 13, 2023.

Ani Azurin, may ilan nang local elected officials ng probinsiya ang humingi na ng proteksiyon at tulong ng pulisya kaugnay sa kanilang mga nalalaman at mga natatanggap na banta sa buhay.

Batay sa impormasyon ng PNP, may mga tao na silang tinutukoy na nasa likod ng mga naitatalang krimen sa Negros Oriental.

Naniniwala naman ang PNP na magandang senyales ito sa pagnanais ng mga residente ng probinsiya na maibalik ang kapayapaan at kaayusan sa lalong madaling panahon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter