NAGPAPATULOY ang militar sa pagpapatupad ng kampanya laban sa paglaganap ng loose firearms sa Tawi-Tawi.
Ayon kay Brigadier General Romeo Racadio, commander ng Joint Task Force Tawi-Tawi, isang M1 Garand na may clip magazine at 8 live ammunition ang isinuko ni Delmar Aidil sa Barangay Poblacion, Turtle Island.
Habang isang cal. 38 pistol ang itinurn-over ni Madtha Madsarani sa Barangay Hall ng Duhul Bato, Mapun.
Pansamantalang itinago ang mga baril sa headquarters ng 112 Marine Company, na nakabase sa Barangay Mahalu, Mapun.
Pinuri naman ni AFP Western Mindanao Command (WestMinCom) acting commander Brigadier General Arturo Rojas ang Joint Task Force Tawi-Tawi at ang tulong ng local government units (LGUs), pulisya at mamamayan upang maabot ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.