Ilang lugar sa Camarines Norte, suspendido ang pasok dahil sa shear line

Ilang lugar sa Camarines Norte, suspendido ang pasok dahil sa shear line

DAHIL sa sama ng panahon o tuloy-tuloy na mga pag-ulan dulot ng shear line, suspendido ang pasok sa ilang lugar sa Camarines Norte ngayong araw, Enero 13, 2025.

Sa abiso, walang pasok sa lahat ng antas sa mga lugar tulad ng Basud, Capalonga, Daet, Labo, Mercedes, Vinzons, San Vicente, Talisay, at Jose sa Bicol Region.

Ang shear line ay isang weather system na nabubuo kapag nagtatagpo ang malamig na hangin mula sa hilaga at mainit na hangin mula sa silangan o timog-silangan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble