Ilang lugar sa Greece, nasa “very high” category ng Fire Danger Forecast

Ilang lugar sa Greece, nasa “very high” category ng Fire Danger Forecast

“Very high” kung ikategorya ng Fire Danger Forecast Map ng kanilang Civil Protection Ministry ang ilang lugar sa Greece.

Ang mga ito ay ang Attica, Peloponnese, Crete, North at South Aegean Regions at Central Greece.

Kasunod naman ang forecast na ito sa wildfire na sumiklab noong Sabado, June 29 sa isang gubat sa North Athens.

Kaugnay nito, paalala ng Greek Fire Department, mahirap at mapanganib ang ganitong kondisyon kung kaya’t mainam na mag-ingat ang publiko.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble