Ilang lugar sa Malabon at Navotas City isinailalim sa lockdown

Ilang lugar sa Malabon at Navotas City isinailalim sa lockdown

ISINAILALIM simula kahapon ang lockdown sa barangay hall ng NBBS Dagat-Dagatan sa Malabon at sa lahat ng lugar na sakop sa 50 meter radius mula sa barangay para sa pagpigil ng pagkalat ng virus.

 

Sa isang Executive Order na ipinalabas ni Mayor Tobias Tiangco magtatagal ang lockdown sa nasabing lugar hanggang 11:59 ng July 18.

 

“Base sa datos, nakita po natin na maraming kaso ng COVID-19 sa nasabing lugar kaya kinailangan ang lockdown para maiwasang kumalat pa ang virus,”pahayag ni Mayor Tiangco.

 

As of July 04 ang nasabing barangay ay may pinakamataas na bilang ng may active cases na nasa 45 na kaso.

 

Ang mga residente na nakatira sa 50 radius sa nasabing barangay ay striktong hindi makakalabas ng bahay, ang pagkain nila ay ang mga barangay chairman na ang mamahagi nito sa kanilang mga tahanan.

 

Ang maari lamang makalabas ay ang mga essential workers at nagtratrabaho sa Navotas Fish Port Complex pero ang mga manggagawa na ito ay pinapayuhang magdala ng ID at Certificate of Employment ar t palaging magsuot ng mask at maghugas ng kamay.

 

Sa kabuuan ang Navotas City ay mayroong 638 confirmed cases at 298 dito ay active cases

 

Samantala, inaprubahan ng Malabon City Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases ang hiwalay na hiling ng Barangay Catmon at Barangay Dampalit na magsagawa ng special concern lockdown sa ilang lugar.

 

Ito ay upang mapigilan ang mabilis na pagkalat ng COVID-19 virus sa kanilang mga lugar, at para mahigpit na maipatupad ang mga public health protocol.

 

Una ng  ini-lockdown noong July 04 ang ilang bahagi ng Rodriguez I at Damzon St sa Brgy. Dampalit at isasara ito hanggang ngayong araw July 06.

 

Isasara naman ang kahabaan ng Sanciangco Street sa Barangay Catmon mula ngayong araw  Hulyo 6 hanggang July 10.

 

MARGOT GONZALES

Leave a Reply

Your email address will not be published.