Ilang lugar sa Mindanao, nakararanas ng power interruption matapos ang tower bombing

Ilang lugar sa Mindanao, nakararanas ng power interruption matapos ang tower bombing

NAKARARANAS ngayon ng power interruption ang ilang lugar sa Mindanao dahil sa binombang torre sa Lanao del Norte.

Sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang mga apektadong lugar dahil sa pambobomba noong Oktubre 24, 2022 ay ang buong Zamboanga Peninsula, buong Misamis Occidental at ilang bahagi ng Lanao del Norte.

Ayon sa NGCP, bumagsak dahil sa pagpapasabog ang Tower No. 8 ng Baloi-Aurora 138kv transmission line na nasa Sitio San Isidro, Brgy. Bagumbayan, Kauswagan, Lanao del Norte.

Sinabi ng NGCP na isang hindi pa nakikilalang indibidwal ang natagpuan sa lugar ng may matinding pinsala ngunit hindi pa malinaw kung may kaugnayan ito sa pagpapasabog.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.

Kasalukuyan namang nakikipagtulungan ang NGCP sa AFP at local law enforcement upang i-secure ang lugar para sa repair works.

Follow SMNI NEWS in Twitter