Ilang lugar sa NCR, makararanas ng water interruption simula March 26-29

Ilang lugar sa NCR, makararanas ng water interruption simula March 26-29

MAKARARANAS ng water interruption ang 7 lungsod sa National Capital Region (NCR) simula ngayong araw, March 26 hanggang 29, 2023 ayon sa Maynilad Water Services, Incorporated.

Piling lugar mula sa Caloocan, Manila, Makati, Malabon, Quezon, Pasay at Valenzuela ay walang tubig mula gabi hanggang madaling araw.

Ang nasabing water interruption ay para mabigyang-daan ang Maynilad na makapag-refill ng mga reservoir sa oras ng peak demand.

Ipapakalat naman ng Maynilad ang kanilang mga mobile tankers sa mga apektadong lugar para maghatid ng maiinom na tubig.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter