BINAHA ang ilang lugar sa Palawan matapos ang dalawang araw na mga pag-ulan doon.
Ayon sa Palawan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ang mga pag-ulan ay nagsimula noong Lunes, Enero 13, 2025.
Partikular na binaha ang apat na barangay sa Brooke’s Point habang pitong barangay naman sa Sofronio Española.
Samantala, easterlies o ang mainit na hangin na nagmumula sa silangan partikular na sa Pacific Ocean.
Madalas itong nagdadala ng maalinsangan na panahon at mga pag-ulan lalo na sa silangang bahagi ng Pilipinas.