MAKARARANAS ng water service interruption ang ilang mga barangay sa Quezon City na sineserbisyuhan ng Maynilad ngayong linggo.
Dahil ito sa isasagawang regular maintenance activities para mapanatili sa maayos na kondisyon ang kabuuang distribution system sa West Zone.
Narito ang mga apektadong barangay at iskedyul ng water service interruption:
- Bagbag at Brgy. San Bartolome
January 6-7, 2025
Mula 10:00 PM hanggang 6:00 AM
- San Bartolome
January 7-8, 2025
Mula 10:00 PM hanggang 6:00 AM
- Sangandaan at Brgy. Talipapa
January 8-9, 2025
Mula 10:00 PM hanggang 6:00 AM
- Bahay Toro at Brgy. Tandang Sora
January 9-10, 2025
Mula 10:00 PM hanggang 6:00 AM
- Veterans village
January 10-11, 2025
Mula 10:00 PM hanggang 6:00 AM
- Paltok
January 11-12, 2025
Mula 10:00 PM hanggang 6:00 AM
Gagawin naman ang nasabing maintenance activities sa off-peak hours upang maibsan ang epekto sa mga customer.
Pinapayuhan din ang mga apektadong QCitizen na mag-imbak ng sapat na tubig bago ang naka-schedule na interruption.