Ilang lugar sa Visayas at Mindanao, positibo sa red tide toxin

Ilang lugar sa Visayas at Mindanao, positibo sa red tide toxin

9 na mga lugar sa bansa ang nagpositibo sa red tide toxin sa mga shellfish.

Dahil dito ay pinag-iingat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa pagkain ng mga shellfish sa coastal waters ng Milagros, Masbate; coastal waters ng Panay, President Roxas, at Pilar sa Capiz; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Irong-Irong, at San Pedro Bays sa Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Sa pagsusuri ng BFAR, positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide na lagpas sa regulatory limit ang mga shellfish dito.

Ang mga isda, pusit, hipon at mga alimango sa nabanggit na mga lugar ay ligtas namang kainin ng tao.

Kinakailangan lang na presko ang mga ito at hinugasan o nilinisang mabuti kasama na ang pagtanggal sa mga hasang at internal organs bago lutuin.

Samantala ligtas na mula sa red tide naman ang Sapian Bay (Ivisan and Sapian), at coastal waters ng Roxas City sa Capiz. red tide toxin

Follow SMNI NEWS in Twitter