KUWESTIYUNABLE para sa Commission on Audit (COA) ang P73.5-B na record ng mga lupang walang titulo ng Philippine Ports Authority (PPA).
Sa ulat ng COA, aabot sa 3.9 million square meters ng lupa ng PPA ang hindi suportado ng original o transfer certificate ng titulo.
Bilang tugon ay sinabi ng PPA na nagsumite na sila ng mga kinakailangang dokumento na magpapaliwanag sa isyu.
Sa kabilang banda, kinuwestiyon din ng COA ang paggamit ng PPA ng aabot sa 166 unregistered motor vehicles.
Wala rin anila itong government plates o tamang vehicle marking na “for official use only” alinsunod sa isang COA circular.
Kabuuang nagkahalaga ang mga sasakyan ng P2,019-M.