Ilang manufacturers sa bansa, nagdeklara ng voluntary 60-day price freeze

Ilang manufacturers sa bansa, nagdeklara ng voluntary 60-day price freeze

NAGDEKLARA ng voluntary 60-day price freeze ang ilang manufacturers sa bansa upang mabawasan ang pasanin ng publiko lalo na sa gitna ng mga nararanasang El Niño at pananalasa ng bagyo.

Ibig sabihin nito ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Asec. Amanda Nograles, ang nasabing manufacturers ay hindi magtataas ng presyo ng kanilang mga produkto sa susunod na 60 araw.

Ang mga kompanyang ito ay ang Century Pacific Food Inc., San Miguel Corp., CDO Foodsphere Inc., Coca-Cola Beverages Philippines Inc., Monde Nissin, Alaska Milk Corp., Nestle, at NutriAsia Inc.

Ang nasabing price freeze ay epektibo agad sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble